Manila, Philippines – Pinaplantsa na ang seguridad sa pagdating ng higit 20 heads of state na dadalo sa ASEAN Summit.
Ayon kay S/ Supt Ariel Arcinas, ground commander, halos kasado na ang pag-deploy sa 12,000 pulis, sundalo, at mga tauhan ng MMDA at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Aniya, ipadadala sila sa Clark, Pampanga at iba’t ibang lugar sa Maynila na magiging venue ng pagpupulong.
Ipinatutupad na rin ng Philippine National Police ang gun ban sa Metro Manila, region 3 at region 4a simula noong Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 15.
Mahigpit ring ipatutupad mula sa Linggo, November 5 hanggang 16 ang no sail zone sa bahagi ng H20 hotel Manila hanggang sa Okada Hotel sa Parañaque City.
Facebook Comments