Dating Presidential Spokesperson Abella, mananatiling Undersecretary sa ilalim ng Duterte administration

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malakanyang na hindi aalis sa gobyerno si dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Ito’y sa gitna ng mga naglalabasang balita na inalok na maging ambassador si Abella.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nananatili pa ring undersecretary si Abella sa administrasyon at magsisilbi pa rin sa pamahalaan.


Pero hindi pa aniya niya tiyak ang magiging papel nito.

Una nang sinabi ni Abella na welcome para sa kaniya ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan siya bilang tagapagsalita.

Facebook Comments