Cauayan City, Isabela – Mahigpit na ipinapatupad ang seguridad ng mga estudyante at mga guro sa Cauayan City National High School. Ito ang naging pahayag ni Dr. John Mina, Principal ng naturang paaralan sa panayam ng RMN Cauayan.
Aniya walang problema sa mga security guard ng CCNHS dahil sa may dalawang guwardiya sa araw at sa gabi sa kabila ng napakalaking bilang ng estudyante sa naturang paaralan.
Kabilang din umano ang walong CCTV na mayroon ang Cauayan City National High School, maging ang isang CCTV sa main gate ng Barangay Turayong.
Paliwanag pa ni Dr. Mina na hindi basta-basta na makakalabas ang mga estudyante kahit na kapag emergency ito dahil kinakailangan parin umano na tumawag sa paaralan ang magulang ng mga mag-aaral upang mabigyan ng gate pass at maging ang mga bisita rin umano ay dapat na mag-log book upang mabigyan ng visitors pass.
Samantala nasa seguridad rin ang mga mag-aaral at guro tuwing umaga at uwian dahil sa nakaantabay din ang ilang tauhan ng Public Order Safety Division o POSD.
Matatandaan na umaabot sa mahigit anim na libong mag-aaral ang mayroon sa Cauayan City National High School kung saan ay iniimplementa ang shifting sa bawat klase.