Seguridad ng mga health workers pinatitiyak ni PNP Chief Gamboa

Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa sa lahat ng mga Local Police sa buong bansa na siguruhin ang seguridad ng mga health workers.

Ito ay matapos ang dalawang insidente ng pananakit at pananakot sa dalawang Health Workers sa South Cotabato at Cebu.

Sinabi ng PNP Chief, dapat ay gamitin ng mga police ang lahat ng puwersa nito para maprotektahan ang mga health workers lalo na ngayong panahon ng krisis sa bansa.


Ang lahat aniya na maarestong nananakit sa mga heath workers  ay dapat maaresto , makasuhan at maparusahan.

Sa ulat ng PNP isang Nurse sa St Louis Hospital sa Tacurong City ang Binugbog at sinabuyan ng Zonrox ang Mukha sa Bayan ng Pres Quirino.

Habang isang Nurse din sa Cebu ang sinabuyan naman ng Chlorine ng Riding in Tandem.

Bukod sa pagbabantay sa mga health workers, una nang nagbigay ng libreng sakay ang PNP sa mga Health Workers para mas maging madali sa mga ito gawin ang kanilanng tungkulin.

Facebook Comments