Seguridad ng naarestong asawa ng Leader ng Maute ISIS Group-mas pinaigting

General Santos City—Mas pinaigting ngayon ng Pulisya at ng Joint Task Force Gensan ang seguridad sa Police Station 7 kung saan nakadetain ang naarestong si Nafisah Pundug, asawa ni Abu Dar, bagong leader ng Dawla Islamiya Lanao Maute-ISIS Terror Group at no. 1 sa arrest order ng Department of National Defense.

Una nang naaresto ng Joint Task Force Gensan si Nafisah Pundog sa bahay nito sa Barangay Apopong Gensan.

Natunton ng Awtoridad ang bahay ni Pundog matapos isinumbong ng mga naaresto ng Pulisya sa isinagawa nilang operasyon sa Barangay Fatima na ikinamatay ng isang Bomb expert at isa sa mataas na lider ng Maute-ISIS Group na si Najib Pundug, Alias Najib Hussein.


Sinabi ni Joint Task Force Gensan Commanding Officer Col. Adonis Bajao na base sa kanilang imbistigasyon, dati nang nakulong sa Marawi City Jail si Nasifah dahil sa kaso nitong paglabag sa RA 9516, pero nakatakas matapos nirescue ng grupo ni Abu Dar bago pa nangyari ang Marawi Siege noong nakaraang taon.

Kinumperma naman ni Col. Bajao na sampong araw palang sa Gensan si Nasifah nang itoy naaresto.

Facebook Comments