Zamboanga City, Philippines – Pinulong ng alkalde ng lungsod ng Zamboanga ang matataas na opisyal ng pulisya at militar para pag-usapan ang security plan na ipatutupad sa lungsod kasunod ng pangyayari sa Marawi City kung saan inatake ng Maute Group ang lugar.
Mas pinalawig ni Climaco ang Internal Security ng Zamboanga kahit hindi man direktang apektado sa nagaganap na bakbakan sa Marawi City, mas nakabubuti aniya na maging alerto nang sa gayon hindi maisahan ng rebelde ang sitwasyon o magkakaroon ng spill over.
Pina-monitor ni Climaco ang siyamnapu’t walong barangay ang sitwasyon sa kanilang lugar at i-activate ng force multiplier sa kanilang respektibong komunidad.
Si Climaco bilang chairperson ng regional peace and order council IX ay humingi sa DILG upang magpalabas ng direktiba sa lahat ng mga governors at mayors sa buong Zamboanga Peninsula, nang sa gayon maipapatupad ang seguridad sa kanilang mga area of responsibility partikular na sa mga vital installation at siguraduhin ang seguridad ng mga tao.
Samantala, ayon naman sa commander ng joint task force Zamboanga Col. Leonel Nicolas, pinahigpit niya na ang mga seguridad sa loob at palabras ng Zamboanga City lalong lalo na sa mga isla kung saan nagsasagawa sila ng marine patrol at seaborne operation.
Sa command conference sa Wesmincom ayon kay Nicolas hindi rin nila pinag-usapan ang implementasyon ng curfew hour at warrantless arrest.
DZXL558, Melanie Guanzon