Limampung porsiyento ng mga residente sa Marawi City, lumikas; ARMM government, pinaghahandaan ang relief operation

Marawi City, Philippines – Halos limampung porsiyento ng mamamayan ng Marawi City ang lumikas.

Ito naman ang ipinahatid balita sa grupo ng mga mamahayag ni ARMM Governor Mujiv Hataman.

Kinumpirma din ni Hataman ang pagkakatangay sa paring si Fr. Teresito Suganog ng St. Marys Cathedral at pitong mga church workers.


Kasama umano sa natangay ang isang professor.

Dagdag pa ni Governor Hataman, umaabot naman sa 107 inmates ang pinatakas ng Maute Group mula sa Marawi City Jail at Malabang District Jail.

Sa pagtakas ng grupo ay kanilang tinangay ang isang unit ng toyota revo, isang montero, prison van, motorsiklo at fire track.

Nakipag-coordinate na rin ang ARMM government sa Mindanao State University (MSU) para gawing pansamantalang evacuation center.

Pinakilos na rin ni Governor Hataman ang ARMM HEART upang mamigay ng tulong sa mga bakwit.
DZXL558, Amir Sinsuat

Facebook Comments