Seguridad Ngayong "Ber" Months, Pinaigting ng Isabela PPO!

*Cauayan City, Isabela- *Pinaigting ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang kanilang monitoring o pagbabantay sa buong Lalawigan upang mapangalagaan ang publiko ngayong ‘Ber’ months.

Pinulong ni P/Col. Mariano Rodriguez, Provincial Director ng IPPO ang lahat ng hepe sa bawat hanay ng PNP sa lalawigan upang paalalahanan na paigtingin ang pagbibigay seguridad sa mamamayan lalo na sa mga matataong lugar.

Ayon kay P/Col.Rodriguez, mas marami na anya ang taong gumagala ngayong ‘ber’ months na posibleng paglaganap rin ng mga kawatan.


Karaniwan aniya sa mga naitatalang insidente base sa kanilang monitoring nitong mga nagdaang taon ay ang pagnanakaw sa mga bahay na walang naiiwang tao at mga nabibiktima ng ‘Budol-budol’.

Dagdag pa ni P/Col.Rodriguez na wala silang babaguhin sa kanilang deployment maliban sa mismong araw ng pasko at bagong taon.

Umapela naman si P/Col.Rodriguez sa mga Local Government Unit (LGU’s) na pairalin ang curfew hour sa bawat bayan at maging mapagmatiyag at mapanuri upang hindi maging biktima ng kawatan.

Facebook Comments