MANILA, PHILIPPINES – Pangunahing tinututukan ngayon ng pamilya at kaalyado sa politika ni Sen. Leila De Lima ang kaligtasan nito sa loob ng PNP-Costudial Center kung saan siya pansamantalang nakakulong.
Ayon kay Liberal Party President Sen. Francis “Kiko” Pangilinan – nangangamba sila sa seguridad ng senadora lalo na’t marami itong naipakulong at maraming galit sa kanya na nais maghiganti.
Aminado si Pangilinan na kahit sa loob ng PNP Headquarters ay hindi ligtas si De Lima dahil nalulusutan din ang mga pulis tulad ng insidente ng Jee Ick Joo Slay.
Agad naman kinalma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang kampo ni De Lima at tiniyak ang kaligtasan ng senadora sa loob ng PNP-Custodial Center.
Sa ngayon ay inaprubahan na pnp ang hiling ng senado na magtalaga ng kinatawan ng senate sergeant of arms na kasamang magbabantay 24-oras sa kay De Lima sa Custodial Center.
Tiniyak din ng PNP-CIDG na walang ibibigay na special treatment sa senadora at ordinaryong pagtrato lamang tulad ng ibinibigay kina dating Sen. Bong Revilla at Jinggoy Estrada.