Manila, Philippines – Mahigpit na seguridad ang ipatutupad ng Witness Protection Program ng DOJ sa isasagawang pagbasa ng sakdal kay Kerwin Espinosa sa Manila RTC 26.
Itoy sa sala ni Judge Silvino Pampilo Jr. na syang didinig sa kaso ni Espinosa sa paglabag sa Probisyon ng Republic Act 9165 o Trading at Distribution of Illegal Drugs.
Tinuran ni Judge Pampilo, na nais niyang makapagsagawa ng 2 pagdinig kada linggo , upang mabilis na makpagdesisyon sa kaso na may kinalaman sa paglaganap ng illegal n droga sa Visayas.
Nauna rito, dinissmiss ni Judge Pampilo ang kaso laban sa dating Albuera Leyte Mayor Rolando E spinosa dahil sa batid naman ng publiko na napatay ito sa ginawang operasyon ng PNP habang ito ay nakapiit .
Inilipat sa Maynila at nairaffle ang kaso sa sala ni Judge Pampilo, mula sa Baybay Leyte RTC.
Si Espinosa , ay nahaharap din sa hiwalay pang kaso na illegal possession of firearms and ammunition at kasong possession of explosives na dinidinig naman sa hiwalay pang hukuman sa Manila.