Seguridad para sa mga miyembro ng media, inihirit ng isang kongresista

Napapanahon na para mabigyan ng seguridad ang mga miyembro ng media.

Ito ang iginiit ni Assistant Majority Leader Niña Taduran kasunod ng pagpaslang sa isang beteranong mamamahayag na si Jesus Malabanan sa Calbayog, Samar.

Iginiit ni Taduran na kailangan ng media ng proteksyon at seguridad upang maipagpatuloy nila ng maayos ang kanilang trabaho.


Hindi aniya dapat hayaan na manaig ang karahasan at sikilin ang karapatan ng mga mamamahayag sa pag-uulat ng katotohanan.

Dahil sa karumal-dumal na krimeng nangyari sa veteran journalist ay higit lalong dapat na madaliin ang pagsasabatas sa Media Workers Welfare Bill na ang isa sa mga layunin ay maprotektahan ang mga mamamahayag.

Sa ngayon ay isasalang pa ang panukala sa plenaryo ng Senado habang aprubado na ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Facebook Comments