Wednesday, March 25, 2026

SEGURIDAD SA AGNO RIVER, PINAGHAHANDAAN SA ALCALA PARA SA MAHAL NA ARAW

Bilang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Alcala sa nalalapit na Mahal na Araw, nagsagawa ang mga awtoridad ng inspeksyon at visitation sa mga lugar sa kahabaan ng Agno River.

Pinangunahan ng hanay ng pulisya ang naturang operasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at turista na inaasahang dadagsa sa lugar.

Bahagi ang nasabing aktibidad sa LIGTAS SUMVAC 2026 program, na nakatuon sa pagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang aksidente sa tag-init at masiguro ang kaayusan sa mga pampublikong lugar.

Kabilang sa mga isinasagawang hakbang hindi lamang sa nasabing bayan kundi sa buong lalawigan ang regular na monitoring, pagbibigay ng babala sa mga delikadong lugar, at pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at komunidad para sa mas ligtas na selebrasyon.

Patuloy naman ang pagbibigay paalala ng awtoridad sa publiko na maging alerto, sundin ang mga paalala, at makiisa sa mga programang pangkaligtasan upang masiguro ang maayos at ligtas na pagdiriwang ng Holy Week. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments