Seguridad sa Asia-Pacific Regional World Scout Jamboree sa Zambales, nakalatag na

Nakahanda na ang seguridad para sa nalalapit na 33rd Asia-Pacific Regional World Jamboree na gaganapin sa 62 ektaryang Kainomayan Camp sa Barangay San Juan, Botolan, Zambales simula Disyembre 14 hanggang 22.

Ayon kay Botolan, Zambales Mayor Omar Ebdane, nakapuwesto na ang mga kinakailangang personnel at kagamitan upang matiyak ang kaligtasan ng humigit-kumulang 30,000 Boy Scouts na inaasahang dadalo.

Sinabi naman ni Engr. Domingo Mariano, provincial consultant on infrastructure, na “all systems go” na para sa campsite matapos ayusin ang pasilidad sa loob lamang ng mahigit 100 araw sa kabila ng apat na malalakas na bagyo.

Kabilang sa inayos ang limang kilometrong kalsada, limang tulay, at mahigit 1,500 showers at comfort room ssa pitong sub-campsite ng lugar.

Bukod sa seguridad, nakahanda na rin ang mga contingency measures laban sa posibleng kalamidad tulad ng bagyo.

Tiniyak ng Provincial Government ng Zambales na handa ang kanilang mga protocol upang matiyak ang kaligtasan at tuloy-tuloy na pagsasagawa ng World Scout Jamboree.

Facebook Comments