Seguridad sa Bar Exams ngayong araw, hinigpitan ng pulisya

Mas hihigpitan ng Manila Police District ang seguridad sa paligid ng University of Sto. Tomas dahil sa inaasahang pagdagsa ng tinatayang 8,000 kukuha ng BAR exams para sa taong ito.

Ayon kay MPD Director P/BGen. Bernabe Balba, 600 mga Pulis ang kanilang ipakakalat sa paligid ng UST para tiyakin na maayos at mapayapang maidaraos ang nasabing pagsusulit.

Babala ni Balba sa mga tutulak sa UST ngayong araw, mag-ingat sa iba’t ibang modus ng mga kawatan kaya’t mainam na maging laging maingat at mapagbantay.


Magpapatupad naman ng Traffic rerouting ang Manila Traffic Enforcement Unit dahil isasara ang mga kalsadang nakapaligid sa UST.

Partikular na sa mga Kalye P.Noval, Dapitan, AH Lacson at España kung saan ipatutupad ang Stop and Go Scheme mula 5:00am hanghang 8:00am at magbabalik ng 5:00pm hanggang gabi.

Tatagal ang Bar Exams sa 3 araw ng linggo sa buwan ng Nobyembre o Nov. 3,10 at 17 kaya’t mahigpit ding pinapayuhan na bawal pumarada sa mga nabanggit na kalsada sa nasabing petsa.

Facebook Comments