SEGURIDAD SA BAR EXAMS SA LA UNION, TINIYAK NG POLICE REGIONAL OFFICE 1

Tiniyak ng Police Regional office 1 ang seguridad sa bisinidad ng St. Louis College Carlatan sa siyudad ng San Fernando para sa 2022 Bar Examinations na nagsimula ngayong araw at magtatagal hanggang sa ika-6 ng Pebrero.

Ayon kay PBGEN Emmanuel Peralta, PRO1 Regional Director,nagsagawa nang maagang paghahanda ang pulisya upang protektahan ang mga examinees. Inatasan ng opisyal ang Provincial Director ng La Union para sa kanilang koordinasyon sa maximum security coverage.

Nagdepoly din ang pulisya ng kanilang K-9 units sa mga classrooms at kalapit na lugar bago pa man magsimula ang 2022 Bar Examinations.

Aniya, hindi lamang sa seguridad ang tutukan ng pulisya maging ang pagpapatupad ng health protocols gayong nanatili ang rehiyon sa Alert Level 3.

Ang St. Louis College ang isa sa mga 24 na venue sa buong Pilipinas para sa 2022 Bar Examination. | ifmnews

Facebook Comments