Apat na hinihinalaang tulak sa iligal na droga, timbog sa Manila City

Kalaboso ang apat na personalidad makaraang maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Dagupan Street, Barangay 49, Tondo, Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Sto. NiƱo, 46-anyos, Frederick Salonga, 49-anyos, Joy Manlulu, 32-anyos at Matthew Crisostomo, 29-anyos na pawang mga residente sa Tondo, Manila.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang Manila Police District (MPD) na nagresulta sa pagkakaaresto sa naturang mga suspek.


Narekober sa kanila ang 11.8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ā‚±80,240.00 at ā‚±200.00 na buy-bust money.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang mga suspek.

Facebook Comments