Seguridad sa Binondo, Maynila – hinigpitan!

Manila, Philippines – Hinigpitan ng pulisya ang seguridad sa Binondo, Manila kaugnay ng pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong Martes, February 5.

Dinagdagan ang police visibility sa Manila’s China Town para sa monitoring ng mga tao na nakisaya sa Bagong Taon ng mga Chinese sa bansa.

Bahagi ng maigting na seguridad ang K-9 units at bomb squad.


Nagbabantay ang mga otoridad sa mga lugar kung saan may mga pagtatanghal, fireworks display at iba pang events.

Paalala ni Manila Police District Station 11 Commander Superintendent Eric Mendoza, dapat maging mapagmatyag ang lahat.

Kapag may napansin aniyang kakaiba o kahina-hinala ay agad na ipaalam sa pulisya para maaksyunan.

Facebook Comments