Seguridad sa gaganaping ASEAN Summit, magiging mahigpit

Manila, Philippines – Inihayag ni National Organizing Committee for ASEAN Ambassador Marciano Paynor na nakafull alert ang lahat ng security agencies ng bansa sa gaganaping Association of Southeast Asian Nation Summit sa susunod na buwan.
Sa Briefing sa Malacañang ay sinabi ni Paynor na sa magiging mahigpit ang pagbabantay ng pamahalaan sa seguridad ng mga dadalo sa nasabing summit at pangungunahan ito ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard at maging ang Presidential Security Group na siya namang magbabantay sa mga State leaders na dadalo sa Summit.
Sinabi din ni Paynor na hindi lang sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga nakataas ang security Alert kundi sa buong bansa.

Facebook Comments