Manila, Philippine’s – Puspusan na ang paghahanda para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Ayon kay House Sergeant at Arms, Ret. Lt/Col. Roland Detabali, mas mahigpit ang seguridad na ipatutupad sa SONA ngayong taon.
Aniya, mahigit 6,000 pulis ang ipakakalat sa paligid ng batasan at hiwalay pa ito sa k-9 at security units sa loob.
Pinayagan ding makalapit ang mga magsasagawa ng kilos protesta sa gate ng batasan ng hanggang 200 metro.
Sinabi naman ni House Deputy Secretary General Atty. Artemio Adasa Jr. – 1,500 na katao lamang ang pwedeng pumasok sa session hall.
Mahigpit din nilang ipatutupad ang ‘no invitation, no entry’.
Inabisuhan na rin ang mga dadalo na huwang magsuot ng magarbong kasuotan.
Ang dress code ay business suit o barong para sa mga lalaki habang Filipiniana sa mga babae.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558