Iligan City – Mas paiigtingin pa ng kapulisan sa lungsod ng iligan ang seguridad kahit pa naideklara na ni PresidenteRodrigo Duterte na Malaya na ang marawi city sa mga kamay ng teroristang ISIS-Maute.
Sinabi ni PNP City Director Police Senior SuperintendentLeony Roy Ga na may natanggap kasi silang report na may mga miyembro ng teroristang grupo na nakatakas sa marawi atposibleng nasa ibat-ibang lugar ngayon ngMindanao.
Ayon kay Ga, mas mainamnang mapaghanda kung ano man yung masasamang balak ng ibang miyembro ngISIS-Maute kay sa malusotan sila nito.
Sa ngayon ay patuloy pa rin nilang pinapatupad ang mahigpit na pagbabantay sa mga checkpoints paramasigurong ligtas at maayos ang seguridad ng lungsod.
Kahit ang curfew hour sa lungsod ay nagpapatuloy pa rin simula alas onse nanggabi hanggang alas kwatro ng madaling araw. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
| | Virus-free. www.avast.com |