9 na indibidwal, arestado sa kasong pagnanakaw

Manila, Philippines – Nadakip ng Manila Police District ang siyam na indibidwal na sangkot iba’t-ibang kaso ng pagnanakaw.
Ayon kay Insp. Dave Garcia ng Malate police, una nilang naaresto ang snatcher na si Angelo Felambo na nagtago pa sa Manila Bay pero nadakip din ito ng kaniyang mga tauhan kung saan nagpaliwanag pa ang suspek.
Nadakip din ang mga suspek na riding in tandem na nanghablot sa bag ng babaeng naglalakad sa brgy. 719 na nakipaghabulan pa sa mga pulis pero hindi din umubra.
Anim na menor de edad naman ang nasakote ng malate police na sangkot sa pagnanakaw ng mga cellphone mula sa mga turistang namamasyal sa Luneta.

Facebook Comments