Seguridad sa Kalibo International Airport, mas hihigpitan

121

Kalibo,Philippines – Mas hihigpitan pa umano ng Kalibo International Airport Management ang kanilang seguridad kasabay ng pagdagsa ng maraming turista sa isla ng Boracay ngayong summer.
Mas ramdam na kasi ngayon ang pagdami ng mga pasahero kahit na matagal ng walang pasok sa mga paaralan at natapos na ang holy week.
Nabatid na inaasahan ang dami ng mga turistang pupunta sa Boracay dahil sa tinatawag na Laboracay sa isla na ginaganap tuwing huling linggo ng Abril hanggang Mayo 1 na siya namang labor day.
Sa kabila nito umaasa naman ang Department of Tourism (DOT) Boracay na magiging maayosang bakasyon ng mga turista sa isla ngayong taon dahil sa maayos napagpapatupad ng seguridad.


Facebook Comments