Kasado na ang inihandang seguridad ng militar sa Lanao de Sur para sa selebrasyon ng ika-121st Independence Day ngayong araw.
Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang selebrasyon mamayang hapon sa Malabang, Lanao del Sur.
Ayon kay 6th Infantry Division Commander Major General Cirilito Sobejana, mas pinili ng Pangulo na makasama sa Araw ng Kalayaan ang mga sundalo.
Sa gagawing programa kaugnay sa Independence Day celebration alas 2:00 mamayang hapon pangungunahan ng Pangulo ang wreath laying ceremony sa harap ng monumento ng bayaning si Jose Abad Santos sa Malabang, Lanao del Sur.
Si Jose Abad Santos ay pinatay ng Japanese forces dahil sa hindi nito pakikipag-cooperate sa mga plano laban sa bansa.
Pinatay ito sa pamamagitan ng firing squad noong taong 1942.
Sinabi pa ni Major General Sobejana pagkatapos ng wreath laying sa monumento ni Jose Abad Santos magkakaroon ng flag raising ceremony sa loob ng Kampo ng 6th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Magkakaroon rin ng talk to men ang Pangulo sa mga sundalo sa Lanao del Sur.