Seguridad sa lungsod hinigpitan bunsod ng banta ng pambobomba

31

Bunsod ng banta ng pambobomba sa mga pampublikong lugar ay naghigpit na ng segiridad ang Joint Task Force Kutabato sa mga entrance papasok ng lungsod. Sa bungad ng Checkpoint ng JTFK sa bahagi ng Marian Hills sa DOS Maguindanao kung datirati ay pinapalagpas lang ang mga nakamotorsiklo ngunit ngayon dahil sa mga bomb threat ay pinapara na ang mga motorsiklo at chini-check ng maigi ng mga sundalo ang u-box ng bawat dumaraan. Ayon kay JTFK Commander Col.Mamawag, itoy pre-emptive move upang maintercept ang posibleng magdadala ng bomba.Samantala maging ang City PNP ay nakaalerto narin sa ngayon at masusing binabantayan ang Peryahan sa harap ng City Hall kung saan gabi-gabi ay binabantayan ng EOD team.

Facebook Comments