Motorsiklo nakarnap, habang isang sikyu huli dahil sa droga

19

Isang 30 anyos ang dumulog sa himpilan ng PP2 matapos itong mabiktima ng carnapping kung saan natangay ang Jianse 110 single motorcycle na kulay black at orange na may plakang MB-1939. Kinilala ANg biktima nasi Jainor Guimba na residente ng Tukananes barangay Poblacion 7.Sa kanyang salaysay, bandang alas nueve umano kamakalawa ng gabi ng iparada lamang nito ang kanyang motorsiklo sa tapat ng Polymedic sa Gov.Gutierez avenue para pumunta sa Ramadan Tradefair sa loob ng ORG. Pagkalipas ng ilang oras ng kanyang balikan an gang motor ay nawawala na ito at tinangay ng mga kawatan ng motorsiklo..Kaagad naman siyang nakipag ugnayan sa kapulisan subalit hanggang sa ngayon ay bigo parin mahagilap ang kanyang motorsiklo. Samantala tiklo ang isang sikyu matapos itong makuhanan ng isang sachet ng shabu,isang disposable lighter at Tooter.Kinilala ang sikyu nasi Teddy Brahain 30 anyos na resident eng barangay RH-2. Ayon kay PCI Reynaldo Delanten, isang tawag ang kanilang natanggap na may kaguluhan sa naturang lugar, sa pagresponde nila ay dinampot ang suspect at pagdating sa himpilan ng PP1 ng kapkapan ay nakuha sa bulsa nito ang shabu at paraphernalia.

Facebook Comments