Paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagbabantay sa Maguindanao matapos ang pagkasawi ng ISIS-East Asia spokesperson.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, nakaalerto pa rin ang kanilang pwersa sa anumang banta at nagpapatuloy ang kanilang focused police operations.
Aniya, mula pa noong nagkaroon ng serye ng pagsabog sa Mindanao ay mayroon nang direktiba sa mga unit commander na higpitan ang seguridad at palakasin ang intelligence gathering.
Samantala, sinabi naman ni Western Mindanao Command Spokesperson Major Andrew Linao na malaking dagok sa teroristang grupo ang pagkakapatay ng militar kay Abu Huzaifah.
Ayon kay Linao, matagal ng mino-monitor ng intelligence community ang galaw ng ni Huzaifa lalo at may direkta itong kuneksiyon sa international terrorist group ng ISIS.