Mas hihigpitan pa ng Manila Police District (MPD) ang seguridad sa lungsod ng Maynila.
Ito’y kasabay ng ikakasang transport strike kung saan inaasahan na magsasagawa ng kilos protesta partikular sa may bahagi ng Mendiola.
Ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre Dizon, iikot ang bike at mobile patrol kasama ang motorcycle unit para maiwasan ang hindi inaasahang insidente tulad ng mga panghaharang sa ibang jeep na nais bumiyahe.
Kaugnay nito, ipakakalat ng MPD ang kanilang assets para tumulong sa libreng sakay sa mga pasahero na maaapektuhan ng transport strike.
Partikular na aalalayan ang mga estudyante sa pampublikong paaralan kung saan tuloy ang face-to-face classes ng mga ito alinsunod sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at DepEd Manila.
Ang libreng sakay ay nagsimula ng alas-5:00 ng umaga at magtatagal ng hanggang alas-7:00 ng gabi.