Ilang jeepney driver, mas piniling mamasada kaysa magtigil-pasada

Hindi nakiisa ang ilang jeepney drivers sa ikinasang tigil-pasada ngayong araw ng transport group na Manibela.

Samantala, ang ilang tsuper naman ay walang magawa kundi magtigil-pasada dahil sumusunod lamang sila sa kanilang operator.

Bagama’t hindi sila papasada ay malinaw naman ang direktiba sa kanila ng kanilang operator na huwag sumama sa isasagawang kilos-protesta.


Kung maaalala, ang transport group na Manibela ang nagmatigas na magsagawa ng tigil-pasada habang ang ilang transport group naman ay hindi sinuportahan ang kanilang planong pagpaparalisa sa mga biyahe ngayong araw.

Facebook Comments