Manila, Philippines – Nakalatag na ang seguridad na ipatutupad ng National Capital Region Police Office sa mga lugar na pagdadausan ng mga kilos protesta ngayong araw kasabay ng pagdiriwang ng labor day.
Ayon kay NCRPO Dir. Oscar Albayalde, nasa tatlong libong pulis ang kanilang ipapakalat sa mga lugar nadadayuhin ng mga militanteng grupo.
Sa ngayon aniya aymahigpit na nakabantay ang pulisya sa tinatayang dalawang libong miyembro ng grupong KADAMAY na una nang nagsagawa ng kilos protesta nitong sabado kung saan nagpalipas ang mga ito ng magdamag sa barangay bagong Pag-Asa sa Quezon City.
Tiniyak din ni Albayalde ang pagpapatupad ng maximum tolerance sa mga demonstrador.
Facebook Comments