Handa ang Philippine National Police (PNP) sa inaasahang pagdagsa ng mas marami pang dalaw habang papalapit ang nakatakdang pagsasara sa mga sementeryo.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Roderick Augustus Alba, noong nakaraang linggo pa ay nakalatag na ang kanilang mga police assistance desk sa mga sementeryo.
Mahigpit din aniya ang bilin sa kanila ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na laging makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa mga ipinaiiral na patakaran.
Nakiusap naman si Alba sa publiko na sumunod sa health protocols para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Facebook Comments