Manila, Philippines – Mahipit pa rin ang seguridad ang ilalatag ng militar sa buong Mindanao kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa Lunes, Hunyo 26.
Ayon kay EASTMINCOM Deputy Commander, Brig/Gen. Gilbert gapay – walang magbabago sa ipinatutupad nilang seguridad sa mindanao simula nang ideklara ang martial law nuong isang buwan.
Dagdag pa ni Gapay – papaigtingin din ang mga checkpoints at pagpapatrolya.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang militar sa Muslim communities sa Mindanao para sa mas ligtas at mapayapang paggunita.
Ang Eid’l Fitr ay ang pagtatapos ng ramadan o pag-aayuno ng mga Muslim.
Facebook Comments