Seguridad sa NAIA, lalo pang pinaigting sa harap ng paglilipat ng ilang flights sa terminal 1 at 3

Hinigpitan pa ang security measures sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng paglilipat sa terminals 1 at 3 ng ilang flights mula sa terminal 2 at 4.

Ayon kay Office for Transportation Security (OTS) Chief Ma. O Aplasca, inaasahan din nila ang pagdagsa ng mas malaking volume ng mga pasahero sa NAIA ngayong holiday season.

Bunga nito, magdadagdag aniya sila ng mga tauhan, equipment at magpapatupad ng mas na screening process sa Paliparan.


Partikular aniyang dadaan sa mas mahigpit na screening process ang mga pasaherong patungo ng US at Canada via NAIA 1.

Sinabi pa ni Aplasca na magpapatupad din ang Philippine Airlines ng karagdagang pre-departure screenings sa mga pasahero nitong patungong US at Canada.

Facebook Comments