Kadiwa stores, magtutuloy-tuloy hanggang susunod na taon ayon kay PBBM

Mananatili ang Kadiwa stores hanggang sa susunod na taon.

Ito ang inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa ambush interview sa ginawa nitong pagbisita sa Kadiwa ng Pasko sa Quezon City kanina.

Ayon sa pangulo hanggat hindi bumabalik sa normal ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay mananatili ang Kadiwa.


Kung sa usapin naman aniya sa supply aabutin pa hanggang Marso sa susunod na taon ang supply ng basic needs.

Dagdag pa ng pangulo kapag dumating na sa puntong pareho na ang presyo sa Kadiwa at sa mga palengke ay bago pa lamang aniya ihihinto ang Kadiwa.

Magkakaroon nalang aniya ng pamamahagi sa mga liblib o malalayong lugar at dito na papasok ang dating programa na Kadiwa na Kadiwa mobile.



Layunin ng gobyerno sa proyektong ito na makatulong pa rin sa mga mahihirap na pamilya na lubhang apektdo ng pagtaas ng inflation, pagtaas ng fuel at pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments