Seguridad sa pag-obserba sa Semana Santa, pinaghahandaan na ng pamahalaang lokal ng siyudad ng Dipolog at ng pulisya

Dipolog, Philippines – Handa na ngayon ang pamahalaang lokal ng siyudad ng Dipolog partikular ang pulisya sa ipapatupad na seguridad para sa nalalapit na pag-obserba sa Semana Santa.

 

Kabilang sa mga aktibidad na gagawin ngayong darating na Holy Thursday ay ang praise and worship at film showing habang sa Good Friday ay ang tinatawag na “Katkat Sakripisyo” na gagawin sa 3003 steps patungong Linabo Peak sa may Barangay Lugdungan ng siyudad ng Dipolog.

 

Gaya ng dati, mahigpit na ipinagbabawal ng pulisya ang pagdadala ng mga inuming nakalalasing, mga matutulis na bagay, armas, mga sound gadgets at mga gambling paraphernalia.

 

Ipinagbabawal din ang pagsusuot ng mga maiikling damit.

 

Kaugnay nito, nanawagan rin ngayon ng suporta sa publiko ang simbahang katoliko at pamahalaang lokal ng siyudad para sa mapayapa at maayos na pag-obserba sa mga aktibidad sa darating na Semana Santa.



Facebook Comments