Seguridad sa pagsisimula ng ramadan – tiniyak ng NCRPO kasunod na rin ng mga insidente ng pambobomba sa Quiapo, Maynila

14

Manila, Philippines – Tiniyak ng NCRPO ang seguridad sa pagsisimula ng ramadan lalo na sa Quiapo area kung saan naganap ang dalawang magkahiwalay na pagsabog.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde – magpapakalat pa sila ng karagdagang 100 augmentation force sa Quaipo para matiyak ang kaligtasan ng mga kapatid nating Muslim para sa banal na buwan ng ramadan.

Kaugnay nito – sinabi ni Albayalde na mayroon silang apat na persons of interest sa nangyaring pagsabog malapit sa Golden Mosque na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng anim na iba pa.

Magsisimula ang ramadan – gabi ng May 26 at magtatapos sa ika-24 ng Hunyo kung saan sa loob ng 30-araw ay mag-aayuno ang mga Muslim mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw.
DZXL558

Facebook Comments