𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗦𝗧𝗥𝗜𝗣 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗨𝗡𝗧𝗜-𝗨𝗡𝗧𝗜 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔

Unti-unti nang dinadagsa ang food strip sa bahagi ng Downtown sa Dagupan City matapos ito muling buksan.

Bahagi ang pagbabalik ng food strip sa selebrasyon ng Bangus Festival sa lungsod.

Ala sais ng gabi nag-uumpisa ang pagdami ng mga kostumer na dumadayo sa naturang food strip at karamihan dito ay mga estudyante galing sa klase.

Ayon sa mga may-ari ng stalls, ibayong pag-iingat na lamang ang mga kostumer sa kanilang mga kagamitan dahil hindi maiiwasan ang mga kawatan tulad ng mga snatcher at mga nambubudol.

Samantala, kasabay nito ay ang pagbabalik Din ng baratilyo kung saan unti-unti na ring dinarayo ng mga Dagupeño lalo ng mga kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments