Seguridad sa Pasil Fish Port sa Bohol, mas hinigpitan kasunod ng engkwentro sa pagitan ng Abu Sayyaf at militar

Manila, Philippines – Mas lalong hinigpitan ang seguridad sa Pasil Fish Port sa Bohol dahil sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng Abu Sayyaf at tropa ng gobyerno.

Ayon sa Cebu City police office, maga-assign sila ng mga kapulisan na mag-iinspeksyon sa mga pasaherong napasok at nalabas ng lugar upang masigurado ang seguridad dito.

Sabi ni City Director Joel Doria, ang mga pulis ay kanilang inalerto at hindi aalisin ang police assistant desk upang mai-report agad ang anumang insidenteng mangyayari dahil


Busy ang port lalo na kapag may nadating na mga pasahero at fishing vessels.

Ayon kay senior Insp. Keith Andaya, chief ng San Nicolas police station, matapos malaman ang nangyaring Bohol clash ay napagdesisyunan nilang mag-concentrate sa Pasil Fish

Port upang hindi makapunta ang mga terorista sa nasabing lugar.

Hindi lamang drug personalities ang kanilang hinahanap, kundi mga terorista din, pagtatapos ni Doria.
Nation

Facebook Comments