Monday, April 6, 2026

SEGURIDAD SA PRUSISYON AT MGA RESORT NOONG SEMANA SANTA, IPINATUPAD NG MGA AWTORIDAD SA URDANETA CITY

Naglatag ng mahigpit na seguridad ang Urdaneta City Police Station sa isinagawang prusisyon ng Immaculate Conception Cathedral Parish Church noong Semana Santa.

Ayon sa ulat, dumaan ang prusisyon sa mga pangunahing lansangan ng Sison Street, Gonzales Street, Ambrocio Street, Manuel Roxas Street intersection, Alexander Street, at Barangay Poblacion, kung saan nakaantabay ang mga pulis sa iba’t ibang bahagi ng ruta.

Ipinuwesto ang mga tauhan sa mga critical areas kung nagbigay ang mga tauhan ng traffic assistance sa mga deboto.

Bukod sa pagbabantay sa prusisyon, nagsagawa rin ang kapulisan ng inspeksyon at pagbisita sa mga pribadong resort sa lungsod.

Pinayuhan ang mga may-ari ng resort hinggil sa kanilang responsibilidad sa kaligtasan ng mga bisita katuwang ang pulisya ng mga paalala sa pag-iwas sa krimen para sa mga empleyado at panauhin.

Ayon sa pulisya, layon ng kanilang operasyon na masiguro ang mapayapa at maayos na paggunita ng Semana Santa sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments