Monday, March 2, 2026

Seguridad sa US at Israel Embassy sa bansa, kabilang sa binabantayan ng PNP sa gitna ng nagyayaring tensyon sa Middle East

Kabilang sa binabantayan ng Philippine National Police ang seguridad sa US at Israel Embassy sa bansa sa gitna ng nangyayaring tensyon sa Middle East.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., bukod sa mga pasilidad ay binabantayan din ng kapulisan ang seguridad ng mga opisyal at ang kanilang mga aktibidad.

Kaugnay nito, sinabi ni Nartatez na naka-heightened alert ang PNP at patuloy ang kanilang isinasagawang monitoring.

Nauna nang sinabi ng PNP na wala itong namo-monitor na banta sa seguridad ng bansa.

Facebook Comments