Tumaas ang naitatalang aktibidad ng Bulkang Kanlaon Sa Negros Island.
Kahapon, nakagpatala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng tatlumpu’t limang volcanic-tectonic earthquakes.
Nagpapahiwatig ito ng mas malalim na fracturing na maaaring humantong sa pagtataas ng alerto ng bulkan.
Tumaas din ang ibinubugang sulfur dioxide ng bulkan sa 786 tons per day mula sa average na 566 tons per day simula noong Marso.
Sakaling itaas sa Alert Level 2, ipagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone dahil posibleng magkaroon ng magmatic eruption.
Facebook Comments