SEKSING KASUOTAN, IPINAGBABAWAL NA SA LOOB NG SIMBAHAN

Sa pagbabalik muli ng mga okasyon sa Pilipinas makalipas ang dalawang taong pandemya, inaasahan na marami ang mag sisipag-tungo sa mga simbahan ngayong paparating na kapaskuhan upang dumalo at kumpletuhin ang siyam (9) na araw ng simbang-gabi.

Kaugnay nito, pinapayuhan ni Father Patric Pua sa pamamagitan ni Chief Pillarito “Pitok” Mallillin, ang publiko lalo na ang mga kabataan na magsuot ng karapat-dapat sa tuwing nasa loob ng simbahan.

Hangga’t maaari umano ay mag suot ng formal dress at iwasan ang pagsusuot ng mga damit na hindi kaaya-aya sa paningin.

Ilan sa mga ipinagbabawal na kasuotan ay ang crop tops, ripped jeans, at sleeve less.

Ang pagsusuot ng naayon sa dress code ng simbahan ay bilang pagpapakita na rin umano ng respeto.

Samantala, ang sinumang magtutungo sa simbahan na hindi aniya sumusunod sa dress code ay hindi na papapasukin.

Facebook Comments