Inirekomenda ni Albay Rep. Joey Salceda sa susunod na pangulo ng bansa na tutukan ang sektor ng agrikultura at suplay ng pagkain sa bansa.
Giit ng kongresista, bagama’t matatag ang pagtaas ng GDP ng bansa na umakyat sa 8.3% ngayong unang quarter ng taon, malaking hamon naman dito ang mabagal na pagsulong ng agrikultura.
Patuloy na lumiliit ang sektor ng agrikultura sa 0.7%.
Nababahala si Salceda na ang patuloy na “underperformance” ng agriculture sector ay tiyak na makakaapekto sa presyo at availability ng pagkain.
Iminungkahi ng mambabatas sa bagong pangulo na agresibong tugunan at labanan ang inflation sa pamamagitan ng promosyon ng mga produktong agrikultural, biosafety partikular laban sa African Swine Fever o ASF at Avian Flu gayundin ang pagiging matatag laban sa pabago-bagong klima.
Hiniling din na paigtingin ang ating “safety nets” nang sa gayon ay matiyak na mapoprotektahan ang mga “most vulnerable” na populasyon laban sa price shocks at mapanatili silang kapaki-pakinabang.
Panghuli ay pagpapalakas sa ating kumpyansa sa pamumuhunan sa bansa lalo pa’t mahigpit ang gobyerno pagdating sa ating pananalapi.