Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na lumago ng 1.80 percent ang sektor ng agrikultuta sa huling quarter ng 2018.
Sa kalatas na ipinalabas ng DA, pangunahing nakapag-ambag sa paglago sa ika-apat na hati ng 2018 ay ang industriya ng paghahayupan o livestock, poultry at fisheries.
Ito ay katumbas ng PhP 521.2 na gross value ng agricultural production.
Ito ay mataas ng 4.05 percent kung ihahambing sa kaparehong panahon ng 2017.
Lumago ng 1.64 percent ang livestock industry habang lumawak naman ng 6.99 percent ang poultry industry.
Sumipa ang produksyon ng 0.56 percent mula Enero hanggang Disyembre ng 2018.
Bahagyang tumaas ng 0.25 percent ang crops production o inaaning pananim
Kumakatawan ito sa 50.40 percent ng kabuuang agricultural output.
Bumaba naman ng 2.20 percent ang palay production habang lumago ng 10.82 percent ang inaning mais.
Tumaas din ang produksyon ng niyog, saging, kape, mangga, tabacco at abaca.