SEKTOR NG AGRIKULTURA SA REHIYON UNO, TINUTUTUKAN NG NIA R1 LALO NA SA POSIBLENG MGA EPEKTO NG EL NIÑO PHENOMENON

Ibinahagi ni bagong talagang Regional Manager ng Region 1 National Irrigation Administration (NIA) Engr. Danilo V. Gomez sa kanyang panayam ang ilan sa mga hakbang isinasagawa na sa pagtutok sa sektor ng agrikultura ng Rehiyon Uno o Region 1 lalo na sa posibleng mga epekto ng El Niño Phenomenon.
Isa na rito ang pag-adjust umano sa cropping calendar sa pagsasaka. Nakapagtanim na ang mga magsasaka sa rehiyon noon pang buwan ng Abril at sa ngayon ay 91% ng area ay irrigated na at kung matapos nang tuluyan ay maaaring harvest season na ng mga magsasaka sa darating na buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre.
Binigyang diin din ang pagtatanim ng mga high value crops tulad ng mais, tobako, mungbean, peanuts dahil ang mga binhing ito ay hindi nangangailangan ng maraming patubig at dahil na rin upang makayanan ang epekto ng pagbaba ng rice production kung tuluyan nang tatami ang El Nino.

Target din ang pamamahagi ng mas marami pang water pumps na alinsunod dito ay nauna nang nakapagpamahagi ang ahensya ng nasabing pumps sa ilang irrigators association sa rehiyon.
Samantala, matatandaan na isa ang sektor ng agrikultura sa mga maapektuhan dulot ng mainit na lagay ng panahon na direktang makakaapekto sa mga produksyon ng iba’t-ibang ani sa pagsasaka. |ifmnews
Facebook Comments