Tiwala ang Domestic Electronics Industry na makukuha nito ang 10% growth sa exports ngayong taon.
Ito ay dahil sa malakas na demand sa semi-conductor at mga input para sa digital products partikular sa electronic vehicles (EV).
Sinabi ni EMS Group of Companies Chairman at CEO Ferdinand Ferrer na napalakas ng kakulangan sa microchips ang domestic electronic companies sa bansa.
Dagdag pa ni Ferrer, lumago sa 12.9% ang Philippine Electronics Exports noong nakaraang taon, kung saan naabot nito ang all-time high na 45.92 billion dollars na mas mataas kumpara sa pre-pandemic exports na 43.3 billion dollars.
Ibig sabihin nito ay muling bumabalik na aniya ang naturang industriya.
Samantala, nakikipagtulungan na sila sa pamahalaan kung paano makakakuha ng marami pang investments na nangangailangan ng mas malaking incentives.