Manila, Philippines – Inirereklamo ang isang security guard matapos gahasain ang isang 12-anyos na babae sa Santa Maria, Bulacan.
Kwento ng ina ng biktima – ginahasa ang kanyang anak ng gwardya ng kanilang eskwelahan na si Ernesto Pobleto , 46-anyos
Pero ayon kay Sta. Maria PNP Women’s Desk SPO1 Apple Lureñana – lumalabas na hindi ito ang unang beses na pinagsamantalahan ang biktima.
Depensa naman ng suspek, hindi daw matanggap ng pamilya na matalik silang magkaibigan ng biktima.
Nahaharap sa kasong rape at child abuse ang suspek.
Plano rin ng pamilya na panagutin ang pamunuan ng paaralan ng biktima.
DZXL558
Facebook Comments