Sekyu at 2 Iba pa, Huli sa Paglabag sa Curfew sa Burgos, Isabela!

207

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang tatlong pasaway na kalalakihan matapos lumabag sa Curfew hour bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad sa Enhanced Community Quarantine sa magkakahiwalay na barangay sa bayan ng Burgos, Isabela.

Nadakip pasado alas 11:00 kagabi ang mga suspek na kinilalang sina Reynaldo Espiritu, 30 anyos, walang asawa, magsasaka, residente ng Brgy San Antonio, Donnel Conception, 21 anyos, binata, sekyu, residente ng Brgy. Caliguian at Rey Rigos, 34 anyos, may asawa, magsasaka at residente naman ng Brgy. Malasin ng Burgos, Isabela.


Nadakip ang mga ito matapos maabutan ng mga nagpapatrolyang pulis na pagala-gala sa lansangan at hinihinalang lango ang mga ito ng nakalalasing na inumin.

Dinala ang tatlong suspek sa kustodiya ng pulisya para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments