Sekyu, Dinakip dahil sa Kakaibang Helmet!

*Tuguegarao City- *Hindi nakalusot sa inilatag na checkpoint ng mga otoridad ang backrider na security guard makaraang magsuot ng kaldero sa ulo bilang kanyang helmet.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Retired P/Maj. Vicente Blancad, pinuno ng Public Order and Safety Division-Tuguegarao City, hinarang ang dayuhang sekyu na kinilalang si Rodolfo Chavez Jr. na taga Natappian, Solana Cagayan dahil sa pagsusuot nito ng kaldero sa kanyang ulo habang nakaangkas sa isang motorsiklo sa Bonifacio Street, Tuguegarao City.

Mahigpit aniya ang kanilang pagpapatupad sa “No Helmet, No Travel Policy” sa kanilang Lungsod kaya’t wala aniya silang pinapalampas na mga pasaway na motorista maging sa mga backrider.


Sa ngayon ay isinailalim na sa imbestigasyon si Chavez na sinasabing nasa impluwensiya ng alak nang gawin ang pagsusuot ng kaldero.

Paalala naman ni Blancad sa lahat ng mga motorista na huwag maging pasaway at sumunod sa kanilang ipinapatupad na ordinansa upang maiwasan ang anumang aberya.

Tags; 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, cagayan, pnp tuguegarao city

Facebook Comments