Sekyu, Huli sa Pagtutulak ng Droga

22

Cauayan City, Isabela- Natimbog ang isang security guard matapos mahulog sa ikinasang drug buybust operation ng mga alagad ng batas sa barangay Raniag, Ramon, Isabela.

Dakong alas 3:30 ngayong hapon nang maaresto ang suspek na nakilalang si Alfredo Agpoon, 39 anyos, may-asawa at residente ng Pabil, Ramon, Isabela.


Unang nakatanggap ng impormasyon ang PNP Ramon na sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga ang nasabing pinaghihinalaan kaya’t agad na isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.

Nabentahan ng suspek ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na bumibili kapalit ang halagang Php500.00.

Nasa pangangalaga ngayon ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.

Facebook Comments