Sekyu na Biktima ng Hit and Run, Maaaring Maputulan ng Paa!

Cauayan City, Isabela- Maaring maputulan ng kaliwang paa ang isang gwardiya matapos ma-hit and run ng madali araw nitong ika-tatlumpo ng Mayo particular sa SM Access road ng Burgos Street District 2 Lungsod ng Cauayan.

Batay sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Benigno Asuncion, Deputy Chief of Police ng PNP Cauayan City, ang biktima ay kinilalang si Rodolfo Guerero, nasa tamang edad at isang Security Guard.

Aniya, Kasalukuyan pa rin ang kanilang masusing pag-iimbestiga sa naturang insidente bagama’t mayroon na umano silang binabantayang suspek na umano’y responsable sa pagkakabangga ng biktima.


Base sa kuha ng CCTV Footage ng SM Cauayan, binabaybay ng isang Mitsubishi Pajero ang kahabaan ng naturang lansangan nang biglang tumbukin ang paparating na motorsiklo ng mula sa kanto ng Burgos Street at tuluyang iniwan ng suspek ang naturang biktima.

Nagtamo ng malalim na sugat sa kaliwang paa ang biktima na nagresulta sa pagkakabali nito na agad namang isinugod ng Rescue 922 sa pagamutan.

Ayon pa kay Police Chief Inspector Asuncion, inihahanda na umano nila ang kaukulang kaso laban sa matutukoy na suspek.

Facebook Comments